don’t tell your mother, can you comethru?

chris
2 min readJun 18, 2024

--

Photo by Riccardo Pallaoro on Unsplash

Earphones in, THAT Demi Lovato song is playing nang tumayo na ako para makababa sa bus. Dahil sa vibe ng kanta, feeling ko talaga ang cool ko. HUWAW!

Saktong pagkababa ko sa bus ay isinuot ko ang mala-higanteng bluetooth speaker size na backpack sa isang balikat ko and the unthinkable happened! Biglang napigtal ang strap ng backpack kaya bumagsak ito sa kalsada! Jusko, ang laptop ng taon! Ang unang nasabi ko nalang sa isipan ko at dali-dali pinulot ang bag at umarter na parang walang nangyari dahil nakakahiya!

Playing it cool lang ako habang naglalakad at inaayos ang strap ng bag. WALA NANG PAKE SA PALIGID!! Nang makarating ako sa crossing lane ay napansin ko ang isang babae naghahantay na makatawid na tumungin sa akin na may itinuro sa likod ko! It turns out nahulog pa pala ang payong ko!

I’m so thankful kay ateng stranger dahil ang bait niya! Sa totoo lang kamukha niya pa ‘yong tiktoker na si Charuth HAHAHA. I have a theory na guradian angel ko ata siya dahil she appeared when I needed her (not the most) dahil kung wala ata siya ay dumieretso lang ako sa pagtawid nang hindi tumintingin sa lakad. Isa pa, patalon-talon pa siya habang kasabay kong tumawid like oh, this is not a human being! cheka!

Pinulot ko na ang payong na nahulog, inayos ang strap, nakatawid nang maayos, at patuloy na naglakad papasok ng barangay namin nang mapagtanto na may kumikirot something sa kanang hintuturo ko! Nakakaloka, dumugo pala ang gaga dahil nasugatan nung sinubukan kong pigilan ang paghulog ng bag kanina!

With all that happening, buo na ang aking isip na ito na talaga ang worst month ng buhay ko. OA! Naluluha akong nagpatuloy sa paglalakad habang duguan ang isang daliri at from cool for the summmer, naging comethru ni Jeremy Zucker ang kantang pinakinggan!

Also, the laptop is safe! Using it right now!

--

--